Steph Ayson - AJ Perez' Girfriend, AJ Perez' Cause of Death, AJ Perez' Death Premonitions





Steph Ayson - The girlfriend in grief.

AJ Perez' early demise causes hurt and pain not just to his parents, friends from in and out of showbiz, fans but also to a girlfriend he left behind - Steph Ayson.

As tweeted by AJ's kumpare and one of his mentors in showbiz - Ogie Diaz, Steph was at AJ's wake last night in La Salle Greenhills Chapel, crying very hard.

Ogie also mentioned that according to Mrs. Marivic Perez, Steph is the longest relationship his son AJ had.




Meanwhile, Steph, the loving girlfriend that she is, posted on twitter her love and admiration to his deceased boyfriend hours after he died. "I LOVE YOU BABY @AJPEREZ17"




According to Steph, whose Twitter profile (@stephayson) was previously set to private, she decided to open her Twitter so she could share to the public the AJ that she knows.




Minutes later, she shared this photo of her and AJ during their happy times together.




Cause of Death.

Ogie, who frequent communicates with AJ's dad Mr. Gerardo Perez since the news about the young actor's death surfaced, reveals the true reason of AJ's death.

@ogiediaz: "ndi ang multiple head injury ang kumitil kay @ajperez17. Sa autopsy, tumusok ang ribs sa puso at left lung ni aj sa lakas ng impact."


Premonitions.

On his blogspot site (http://ogiediaz.blogspot.com), Ogie wrote comparisons about AJ's and the late Rico Yan's deaths. To quote:

Favorite number ni AJ ang "17," kaya may jersey siyang green nito. Kaya ang kanyang twitter username ay @ajperez17. At sa favorite number din niya natapat ang kanyang pagkamatay--April 17.

Si AJ ay hinuhulaan sanang magiging Rico Yan someday, dahil parehong La Sallista, parehong may di-matatawarang breeding, mahusay makipagkapwa-tao, friendly, palangiti, very thoughtful at may mataas na pangarap sa buhay, dahil napakaimportante ng edukasyon sa kanila.

Nagpakuha pa si AJ noon sa harap ng picture ni Rico na naka-display sa hallway ng ABS-CBN.

Lahat ng pagkukumpara kina Rico at AJ ay "sinuma" na ng mga nagmamahal sa kanila bukod sa kanilang katangian na parehong-pareho.

Bangungot ang ikinamatay ni Rico. Tulog din si AJ nu'ng mangyari ang aksidente.

Parehong Holy Week namatay ang dalawa. Biyernes Santo namatay si Rico (sa Dos Palmas Resort sa Palawan), si AJ naman ay Palm Sunday.

Si AJ ay namatay ng April 17, si Rico naman ay namatay at the age of 27. Pareho silang Kapamilya."

And on his tweet early this morning, Ogie posted: "Sa Dagupan kahapon, tsika ni Kitkat: "Alam mo, bagay ka sa Mula Sa Puso." Aj: "Oo nga eh. Sayang.Pareho pa kaming La Sallista ni Rico Yan."

Mrs. Marivic also felt something wrong is going to happen day before the accident happened. "Napanood ko pa kagabi yung teaser ng MMK ni Aj, ndi ko alam kumba't ako bigla na lang naiyak, kaya tinawagan ko si Dadi.

"Tinanong ko si dadi, bat ang tagal nilang umuwi? Pauwi na raw sila from Dagupan, pero nag-aalala pa rn ako, d ko alam kumbakit balisa ako." Mrs. Perez said.

"A day bago nag-Dagupan si Aj, naglambing pa sya na dun siya matutulog sa kwarto ko, super lambing pa ni AJ, nakakapanibago." Mrs. Perez added.





Mrs. and Mrs. Perez speak.

On his "Paalam, AJ Perez... " article at Pinoy Parazzi, the tv host-columnist tells how Mr. Gerardo Perez narrated what happened:




Sa mga hindi nakakaalam, galing ng Bangus Festival sa Dagupan, Pangasinan si AJ kasama sina Matt Evans at Zaijian Jaranilla para sa Kapamilya Caravan.

Bago lumuwas pa-Maynila ang grupo ay nagkaroon pa ng presscon with the local press, ayon kay Mommy Marivic.

Before 12mn, nag-tweet pa si AJ ng, "On the way home already from Dagupan.Long drive ahead.. Thanks to everybody who watched, thanks to zui for the gifts.And hi again to jarred!"

After an hour, may nag-tweet nang pa-blind item na may isang Kapamilya young actor na namatay sa isang vehicular accident, na-curious kami, tinawagan namin ang isang taga-ABS-CBN, "Si AJ Perez daw!"

Napamura kami. Agad naming tinawagan ang celfone number ni AJ Perez, dahil hindi magandang biro 'yan. Sinagot agad.

Si Daddy Gerry, umiiyak, "Ogs, wala na ang alaga natin. 'Andito kami ngayon sa Rayos Hospital sa Tarlac.

"Hindi ko alam, Ogs, kung ano'ng nangyari, dahil tulog kami lahat sa van. Si AJ lang ang nawala, the rest, nasugatan lang. Ogs, sana, panaginip lang 'to, Ogs.

"Hindi puwede 'to, Ogs. Si AJ at ang younger brother niya ang buhay namin ng mommy niya.

"Wala na, Ogs. Pagdampot ko sa anak ko, last two deep breath, bumigay na siya, pero dinala ko pa rin dito, pero Ogs, wala na si AJ, Ogs.

"Hindi ko alam, Ogs, basta du'n sa likod si AJ, du'n sa side niya bumangga 'yung bus. Ewan ko, hindi ko na alam ang nangyari talaga. Ang bata pa niya, Ogs.

"Hindi rin siya sakit ng ulo. Mabuting bata ang anak ko, alam mo 'yan, friendly si AJ, very professional na artista, ba't siya pa, Ogs, sana, ako na lang!" Iyak nang iyak si Daddy Gerry.

Gusto naming yakapin si Daddy Gerry that time para damayan at makidalamhati rin. Wala kaming magawa, kungdi makinig lang sa kanya at i-console siya na 'wag siyang bibigay.

Katatapos lang gawin ni AJ ang teleseryeng "Sabel" kung saan karibal niya kay Jessie Mendiola si Joseph Marco.

I heard gagawa rin sana sila ng movie ni Kathryn Bernardo ng "Mara Clara."

Sa kanyang twitter account ay tinanong pa niya sa followers niya kung naipalabas na ba ang trailer ng "MMK" na ginawa niya bilang taong grasa na sa April 30 ipalalabas.

"Nu'ng pinapanood ko 'yon, Ogie, ewan ko ba, bigla na lang akong naiyak nang hindi ko alam kung bakit, kaya tumawag agad ako kay Daddy kung nasaan na sila, dahil 11 pm na eh.

"Sabi ng asawa ko, on the way na sila. Pero balisa pa rin ako."

Kuwento pa ni Mommy Marivic, "Nagpaalam nga 'yang si AJ nu'ng first week of April kung puwede siyang mag-Boracay with his friends.

"Kahit ayaw namin, pinayagan ko rin, basta mag-iingat sila 'kako. Tapos, eto, kasama pa 'yung daddy niya sa biyahe sa Dagupan, naaksidente pa.

"Kaya hindi mo talaga masasabi pag aksidente talaga, Ogie," umiiyak pang kuwento ni Mommy Marivic sa amin.

"Ba't naman ang anak ko, ang bata-bata pa?"

Hindi ko alam kung ano'ng isasagot ko kay mommy. Pupuwedeng aluin ko lang ang kalooban niya, pero mas gusto kong ibigay sa kanya ang pagkakataong mamighati, magtanong, mag-usisa, magtaka at higit sa lahat, itanong sa Diyos, "Anong kasalanan po ng anak ko, ng pamilya ko?"

Alam ko, kaya n'yong sagutin ito, pero ang pamilya Perez ang nagdadalamhati habang tayo'y nakikidalamhati lamang, kaya maiintindihan natin ang pamilya sa kanilang pangungulila, lalo na't isang napakabait na bata ang "binawi" sa kanila.


My Ping in TotalPing.com