Angel Locsin and John Lloyd Cruz's "Imortal" Will Have an Unconventional Ending on April 29


"Paano pag nagsama yung dalawang dugo, ano mangyayari? End of the world na ba?"


Ito ang iniwang tanong ni Mico del Rosario ng Adprom ukol sa huling tatlong linggo ng ABS-CBN primetime show na Imortal.

Nakatakdang matapos ang Imortal sa ika-29 ng Abril. At sa ika-anim na buwang pagtakbo ng palabas, sinabi ng Star TV at ng mga direktor ng palabas na sila Richard Somes, Lester Pimentel at Jerry Lopez Sineneng, na maaasahan ng mga manonood ang kakaibang pagtatapos nito.

"We'd like to end the show in a very unconventional way. Na parang ano mangyayari pag yung dalawang protagonist mo ay nakita na ung fulfilment na hinahanap nila with each other, [pero] di pa rin pala."

Sinabi din ng management na sa ika-12 ng Abril ang huling taping day ni John Lloyd Cruz. Dahil na din sa nakatakdang tour ni John Lloyd sa U.S. para sa Star Magic tour, kailangan ng madaliin ang taping ng kanyang mga eksena.

Sa nalalapit na pagtatapos ng Imortal, nabanggit ni John Llyod sa isang panayam sa kanya na ang pagtanggap niya sa karakter na ito ay nakakapanibago dahil ngayon pa lamang siya gaganap sa ganitong karakter.

"Nung umpisa pa lang, naisip ko, naku ngayon lang ako papasok sa ganitong genre."

Pero ganun pa man, sinabi din niyang ang pagtanggap sa karakter na ito ay paraan na niya ng pagbabalik sa lahat ng suporta ng kanyang mga fans. "I said yes to this project because I feel that it's a way of giving back to my audience."

Labis naman ang pasasalamat ni Angel Locsin sa mga sumubaybay at tagahanga ng Imortal. "Lubos po ang pasasalamat ko sa lahat ng tumutok sa kuwento, salamat po."

Proud na proud naman ang Star TV na sabihin na napanatili nila ang pangako nila sa kanilang mga manonood. Hindi umano nila napabayaan ang dalawang bagay: production at narrative.

"What we're very proud of, two things. The first thing, hindi napabayaan ung production... Na dapat nafu-fulfill ung promise sa audience na every night there's something, na 'oy ang bongga ng fights, mas bongga 'yan bukas or meron uli bukas.'"

"On the second level, on the deeper level, hindi namin napabayaan ng creative yung narrative ng drama. Alam namin na it came from Lobo, mas malalim yung mythology niya, madami talaga siyang portals, connections..."

Tuwang-tuwa at ipinagmamalaki naman ng Star TV sa kinalabasan ng palabas nilang Imortal, "Offhand, we're very happy na we'd like to think na, na-fulfill namin ung promise namin sa audience noon na, we'll bring world-class entertainment."

Sundan ang huling tatlong linggo at alamin ang mga huling pagsubok na pagdadaanan ng mga karakter nina Lia (Angel Locsin) at Mateo (John Lloyd Cruz) sa nalalapit na pagtatapos ng Imortal.


My Ping in TotalPing.com